Ngayong araw na ito, napagisip-isip ko na gumawa ulit ng panibagong BLOG...
Ewan, gusto ko lang gumawa ng bago eh...
Tot: Gumawa ng bago? So ibig sabihin may dati ka ng BLOG?
Oo, meron. Ay sya nga pala ipapakilala ko ngayon ang bago kong kasama, Si TOT, kung bakit tot? Basta.. HEHEHE.. Tot kasi parang Thought kung English... Pero parang UTOT kung umasta. Basta nalang susulpot. HEHEHEHEHEHE
Anyway, kung bakit naman ganun ang title ng blog ko eh para maibahagi ang mga kwento sa aking buhay. Wala naman akong balak gumawa ng napakagandang blog na paparangalan ng iba't ibang prestihyosong mga kompetitsyon. Ang gusto ko lang naman eh maibahagi nga ang mga kwento ko... Ang kulit... Pero wag mong aasahan ng palagi ang magiging update nito ha?? HEHEHEHEHEHEHE..
Kung may nagbabasa man ngayon nito jan sa Future kung anong taon man ngayon jan, sana magustuhan mo ang aking mga kwento... Para malaman mo ang tangi lang namang reader na inaasahan ko sa FUTURE ay ang sarili ko.... Kung nakikibasa ka man ngayon, maraming salamat din..
So ayan na, simula na, START!!!!!!!!!!!!!!!!